It was a day when Lakers lost to Jazz, Game 4 in their 1st round match-up.
Pagkatapos ng trabaho ko, umuwi ako agad ng bahay. Pagod, dahil sa sobrang busy… Mabuti na lang pag dating ko nang bahay nandyan si Virced at Zyanne para mag comfort sa akin. We played together. Laugh at each other.
Maya’t-maya nagluto ang asawa (Jessa) ko ng aming makain.. Nag ihaw sya ng dalag. Ito ang paboriong isda ng panganay na anak ko na si Virced. Sarap na sarap sya nito. At sabi nya pa, “si Papa lang subo sa akin Mama ha?”.. Natawa ako sa nasabi nya.
Pagkaapos kumain, inutusan ako ni Jessa na paliguan at trapuhan ang mga bata. Una’y ayaw ko pa dahil sa sobrang pagod galling sa trabaho. Pero wala akong magawa, at medyo uminit ang ulo ko. Pagkatapos paliguan si Kuya (Virced), bigla itong tumakbo sa sala, at naglaro pa. Sa sobrang inis ko, dahil baka madumihan na naman, nagalit ako sa kanya.. I yelled at him.. medyo na sermonan ko. At habang binibihisan ko, umiiyak siya. Medyo natagalan pa bago ako humingi ng sorry sa kanya..
Patulog na kami nun, nang maisipan kong humingi ng tawad sa Kuya ko. Pero he fell asleep at naisip ko ipagpabukas na lang. Kinabukasan, on my way to work, natutulog pa rin ang Kuya, well lately na lang after work, I told myself..
Habang nasa trabaho, hindi ako mapalagay. Iniisip ko pa rin ang nagawa ko sa anak ko. Para bang napakasama kong tatay. Gusto ko talagang bumawi sa kanya.
Pag-uwi nang bahay, biglang pumunta sa kwarto, at hinahanap si Virced. Andun pala siya sa kabilang kwarto nanunuod ng favorite channel nya.. Which is Disney Channel, yung’ pambata. Pinuntahan ko siya at kinausap, pero hindi nya ako pinansin. Maya-maya kinausap ako ni Jessa, she told me that she was shocked sa kilos ng Kuya ko pagkagising nya sa umaga. Bigla lang siya bumangon, at pumunta lang sa isang bed namin, at nilaro ang favorite nyang mga toys.. Nung una tinanong siya ng Mama nya na kung gutom siya at gusto nya ba daw kumain kasama ang ading niya (kapatid na bunso). Masigasig niya itong sinagot na “Opo mama”. Pero bigla natahimik ang kuya ko, at biglang napaluha na hindi alam ni Jessa ang dahilan, at biglang sinabing, “galit Papa akin mama? Galit papa akin…” I was stunned, napaluha na lang rin ako sa kwento ni Jessa sa akin.
I was totally mad at myself. Pinuntahan ko agad si Virced, at malumanay ko tong kinausap. At humingi nang sorry, at ni-explain ko sa kanya kung bakit ko nagawa yun. Na kahit pinapagalitan ko sya, I doesn’t mean na I don’t love him. Mahal na mahal ko mga anak ko. At gagawin ko lahat para mabigyan sila nang magandang kinabukasan.
On my way to the market at naisipan kong isama ko ang kuya ko para mamalengke. Masaya kami habang nasa palengke.. at yun marahil ang Peace Offering ko sa kanya..